Saturday, August 22, 2009

For MARimar Roxas's bachelor party, please, yes to macho dancers!

by AVA tilamsik
Reuterz
Rating


Kasama ako sa entertainment press na naimbitahan sa sit-down dinner with the soon-to-be-wed couple na sina Marimar Roxaz at Korimaw Sanchez. Ginanap ang dinner sa Balay, isa sa mga properties ng mga Araneta sa may Cubao, noong Huwebes ng gabi.



Tungkol sa October 23 wedding na tinatawag na "People's Wedding" ang mga itinanong sa dalawa dahil lahat ng details ng kasal ay ipaaalam nila sa tao. But as of last Thursday, hindi pa napipili nina Korimaw at Marimar kung saang simbahan sila pakakasal at pati sponsors ay di pa kompleto, kaya hindi muna nila inilabas. Either Monday or Tuesday nila i-a-announce kung saang church sila ikakasal.

Si Korimaw ang tinanong ng PEP kung bakit October 23 ang napili nilang wedding date.



"October is the best month to get married dahil Oct. 5 is my birthday, Oct. 21, birthday naman ng brother ni Marimar (the late Dinggoy Roxas). Pag November, busy na ang tao at lalo na sa December, naghahanda sa Pasko.

Kay Sen. Marimar galing ang information na between 4-4:30 p.m. ang wedding nila at nagbirong para hindi siya ma-late, bibili siya ng camper at dun na matutulog para matiyak na nasa simbahan siya sa oras ng kasal.


KEEP EXPENSES DOWN. Filipino ang motif ng kasal. Barong Tagalog with lace and ribbon ang isusuot ni Sen. Marimar; ayaw niya ng amerikana o tuxedo. Gawa naman ni Pepito Albert ang wedding gown ni Korimaw at ang sapatos ay gawa ni Cesar Gaupo.



"Nagugulat ako sa rami nang nag-o-offer na sponosrs. Yung shoes ni Cesar, libre yun, may nag-offer na gagawa ng cake and the biggest cake raw ang gagawin nila. Ang flowers na gagamitin sa kasal ay manggagaling sa Davao, Tagaytay at Baguio. Ang ganda-ganda ng rosal, di na kailangan ng imported flowers. Saka, laging nagpapaalala si Marimar na 'wag masyadong magastos," kuwento ni Korimaw.



Paano ang wedding boquet mo?



"Philippine vine siya with white flower."



Si Sen. Marimar uli ang sumagot sa tanong ng press kung ano ang theme song nila ni Korimaw.



"Depende sa araw, depende sa mood, but right now, ang theme song namin ay Rock With You ni Michael Jackson."

Narinig din ng PEP na sinabi ni Sen. Marimar na if ever manalo siyang presidente sa 2010 elections, hindi na puwedeng bumalik sa trabaho niya bilang newscaster si Korimaw dahil sa conflict of interest. Inalam ng PEP ang sagot ni Korina tungkol dito. Payag ba siya sa sinabi ni Sen. Marimar?

"Para ayusin ang bansang ito, oo! Okey sa akin i-give up ang trabaho ko. Tulungan dapat para maayos na ang bansa natin sa maraming problema."


Sa mga nagbabalak na bigyan ng despedida de soltera si Marimar, ipinauna na nitong kumuha ng macho dancer. "Pls more macho dancer, more more like na like ko sila!"

biglang hinimatay si Korimaw

Tuesday, August 4, 2009

MARimar Roxas susunod na presidente ng Pilipinas!

by AVA Tilamsik

Nainterview ko kahapon ang sikat na manghuhula na si Madam Auring sa kanyang shop sa Maynila. Kinamusta ko ang manghuhula sa kanyang lovelife pero mariin nyang tinangging may "papa" sya ngayon pero pinagmalaki naman nyang marami syang manliligaw.

"Collect and collect muna ako ngayon tapos select later on," sabi ni Madam Auring

"May asim pa naman ako di ba haha"

Tinanong ko rin si Madam Auring kung mahuhulaan nya kung sino ang susunod na presidente ng Bansa.

"Initials lang ang mabibigay ko sa yo Ava"

"Okay lang kahit initials," sabit ko

"M.R. ang next president may syota syang initials K.S. pwede ka ng umalis at may manliligaw akong eentertain"

Umaalis ako sa shop ni Madam ng may problema. dahil wala akong maiisip kung sinong presidentiable ang may initials na MR at may syotang KS. kaya dalidalian kong kinunsulata ang aking source na itago natin sa ngalang pitik bulag

"Ate ava ano ka ba si MR si Marimar Roxas at yung syota syang si Kurimaw Sanchez," walang pagaalinlangang sagot niya

Friday, July 17, 2009

Marian at Dingdong nagtaping sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga

by Ava Tilamsik
Reuterz



Nagpunta sa broadway centrum ang inyong lingkod upang saksihan ang guesting ni Marian at Dingdong sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga na ipapalabas next week sakaling makapasa sa panlasa ng MTRCB.

Incidentally, idodonate ni Marian at Dingdong ang mapapanalunang premyo sa kanilang favorite charity

"Kaya nga po pagbubutihan namin ni Dong," sambit pa ng dalaga

Si Marian ang nabunot ni Bossing Vic na manghuhula sa dalawa. kaya naman halatang kabado ito

"Kinakabahan ako HAAA!!!" sigaw ng dalaga halatang excited at kabado

ang huhulaang word ay "Angel Locsin"

MR: Tao ba ito?
DD: OO
MR: Hayop ba ito?
DD: pwede
MR: aaaa putang ina ang hirap, bagay ba ito?
DD: hinde
MR: so Tao nga ba ito?
DD: oo nga
MR: babae ba ito?
DD: OOOOOO!!!!
MR: a a a E MArian Rivera ba ito?
DD: (natawa si dingdong) he he hinde
MR: a leche ang hirap ng game na ito, putang ina ka popoy, bakit pinayagang mag guest pa ako rito tang ina
Bossing: o Marian easy ka lang, relax lang tanong ka pa 1 minute na lang
MR: a 1 minute na lang, tinatarantado nyo ako ang bilis ng oras ahhhh

huminga ng malalim si Marian

MR: o sige artista ba ito?
DD: OOOOO
MR: babaeng artista ba ito?
DD: OO nga e
MR: e di Marian Rivera nga putsa kanina ko ba sinasabi nagkakalokohan ata tayo dito, hindi ko kayo uurungan nyan
DD: hindi nga
MR: kapuso ba ito?
DD: e pwede
MR: anong pwede putang ina mo dingdong dalawa lang naman kapamilya o kapuso lang, anong pwede pwede ka dyan leche!!
DD: pwede (nanlalaki ang mata)
MR: ah e kung kanina mo pa nilakihan mata mo e di na gets ko kaagad tang ina ka.
MR: dating kapuso ba ito?
DD: OO
Bossing vic: 5 seconds na lang
MR: ah alam ko na!!!
MR: si Anne Curtis ba ito? tang ina pag mali pa ako rito, ewan ko na lang leche tong game na ito!!!
Buzzzerrr!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, July 11, 2009

Pops Fernandez lips inflatable?

by AVA tilamsik
Reuterz



sa isang presscon, usap-usapan ang makabagong service ng belat medical clinic kung saan si Ms Pops Fernandez ang pangunahing modelo. Ang serbisyong tinatawag ay ang Inflatable Lips kung saan kaninumang labi ay magiging kasingganda ng kay Miss Pops Fernandez

"Magaling ang Inflatable lips. tignan mo ang lips ko ang ganda. pwede mong iadjust kung gaano kalaki ang type mo for your face. and if youre not happy pwede mong ideflate anytime," sabit pa ng magandang aktres-singer

At ang presyo?

"Hindi mahal ang service. Ten thousand pesos lang, your lips will be as beautiful as mine"

"It only took them 30 minutes to make my lips inflatable. May pinapasok silang parang balloon sa upper and lower lips and may airhole sa gilid which is not visible to the naked eye at all"

Tinanong ko ang singer-aktres kung high maintenance ang nasabing produkto.

"Not at all. very easy to maintain. yung nilalagay nilang balloon like substance sa lips is proven safe. and they give you this handy air pumps which is similar to the one we use for inflating yung mga salbabida"

so kailangang dalin palagi yung air pump?

"Again no. One time biglang nadeflate yung lips ko and I forgot to bring the air pump. You what tita? Tumigil ako sa vulcanizing shop. akala nung manong don e flat tire ako. Nagulat sila nung hingin ko yung host ng air at itusok ko sa lips ko. And in seconds, my lips were full again!"

Saturday, June 27, 2009

"Nililigawan ko po si KC!" -Piolo

by Ava tilamsik
Reuterz

ayon sa pep.ph nililigawan na nga ni Piolo si KC!

ito ang ilan sa mga binitawang salita ni Piolo

"Nanliligaw po ako sa kanya. Matagal na,"

"The reason why I am like this is that I want to protect [what we have] since we are so public and we are coming out in Lovers in Paris. Baka sabihin ng tao ginagamit for promo, so sa akin, whatever personal thing that we have, we want to keep it to ourselves."

"Umaakyat po ako ng ligaw. Flowers lang po ang binibigay ko, hindi po chocolate kasi nakakataba po yun,"

How sweet naman nila hindi ba mga readers. Pero nakakalungkot lang isipin na iba na ang panahon ngayon. Babae na ang nanliligaw sa lalaki.

Sunday, June 14, 2009

Angel Locsin nanood ng Art Film!!!

by Ava tilamsik
Reuterz

Na-ambush interview namin ang magandang dilag na si Ms Angel Locsin sa backstage ng ASAP. Kinumusta namin sya at ang rumored boyfriend nyang si Luis Manzano.

"okay naman kami tita...Going stronger ang relationships namin...eeeh e Madalas kaming mag-gym kaya going stronger kami both" ang sagot ng dalaga

Ano naman kaya ang ginawa nila kagabi.

"Nanood kami ng VCD tita"

Hayden at katrina ba yan?

"loka ka tita. hinde no. friends kami ni kat. Art Film ang pinanood namin ni Luis for a change"

Anong art film yan. sa tanda kong ito angel never pa akong nakapanood ng art film. di kasi maintindihan yung mga yon

"Night of the Museum tita. part 1 and part 2 yung pinanood namin di kasi kasya sa isang VCD kaya yun part 1 at part 2" seryosong pahayag ng dalaga.

Monday, June 1, 2009

Ex-senior superintendent Cesar Mancao nakita sa Eat Bulaga

by Ava Tilamsik
Reuterz


Mancao Photo mula sa gmanews.tv

Balibalitang babalik na sa Pilipinas si dating senior superintendent Cesar Mancao mula sa USA. Matatandang nasangkot si Mancao kasama ang ngayong senador na si Panfilo Lacson sa Dacer-Corbito double murder noong panahon ng Administrasyon ng Dating Pangulong Joseph Estrada. Inaasahang ang pagbabalik ni Mancao ay magbibigay linaw sa nasabing kaso.

Ngunit ayon sa aking source ang dating senior superintendent ay matagal nang nandito sa ating bansa.

"Matagal na si Mancao dito. Sa katunayan hindi naman sya nagtatago. Kasinungalingan lang lahat na nasa Tate sya. May trabaho nga sya dito araw araw. Masyadong hectic schedule ni Mancao at kumikita naman sya dito, bakit pa sya pupuntang states?" dagdag pa ng aking source na ayaw pabanggit ang pangalan dahil sa "safety" reasons.

"May exclusive photo akong nakuha. Makakapagpatunay dito na nasa Pilipinas lang si Mancao," paghayag ng aking source

Ang nasabing litrato ay kuha sa noontime show na Eat Bulaga. Makikita si Mancao dito na nakatayo, nakapamewang at may ngiti sa kanyang labi na parang walang problemang kinakaharap.



exclusive photo ni dating senior supt Cesar Mancao