Saturday, June 27, 2009

"Nililigawan ko po si KC!" -Piolo

by Ava tilamsik
Reuterz

ayon sa pep.ph nililigawan na nga ni Piolo si KC!

ito ang ilan sa mga binitawang salita ni Piolo

"Nanliligaw po ako sa kanya. Matagal na,"

"The reason why I am like this is that I want to protect [what we have] since we are so public and we are coming out in Lovers in Paris. Baka sabihin ng tao ginagamit for promo, so sa akin, whatever personal thing that we have, we want to keep it to ourselves."

"Umaakyat po ako ng ligaw. Flowers lang po ang binibigay ko, hindi po chocolate kasi nakakataba po yun,"

How sweet naman nila hindi ba mga readers. Pero nakakalungkot lang isipin na iba na ang panahon ngayon. Babae na ang nanliligaw sa lalaki.

Sunday, June 14, 2009

Angel Locsin nanood ng Art Film!!!

by Ava tilamsik
Reuterz

Na-ambush interview namin ang magandang dilag na si Ms Angel Locsin sa backstage ng ASAP. Kinumusta namin sya at ang rumored boyfriend nyang si Luis Manzano.

"okay naman kami tita...Going stronger ang relationships namin...eeeh e Madalas kaming mag-gym kaya going stronger kami both" ang sagot ng dalaga

Ano naman kaya ang ginawa nila kagabi.

"Nanood kami ng VCD tita"

Hayden at katrina ba yan?

"loka ka tita. hinde no. friends kami ni kat. Art Film ang pinanood namin ni Luis for a change"

Anong art film yan. sa tanda kong ito angel never pa akong nakapanood ng art film. di kasi maintindihan yung mga yon

"Night of the Museum tita. part 1 and part 2 yung pinanood namin di kasi kasya sa isang VCD kaya yun part 1 at part 2" seryosong pahayag ng dalaga.

Monday, June 1, 2009

Ex-senior superintendent Cesar Mancao nakita sa Eat Bulaga

by Ava Tilamsik
Reuterz


Mancao Photo mula sa gmanews.tv

Balibalitang babalik na sa Pilipinas si dating senior superintendent Cesar Mancao mula sa USA. Matatandang nasangkot si Mancao kasama ang ngayong senador na si Panfilo Lacson sa Dacer-Corbito double murder noong panahon ng Administrasyon ng Dating Pangulong Joseph Estrada. Inaasahang ang pagbabalik ni Mancao ay magbibigay linaw sa nasabing kaso.

Ngunit ayon sa aking source ang dating senior superintendent ay matagal nang nandito sa ating bansa.

"Matagal na si Mancao dito. Sa katunayan hindi naman sya nagtatago. Kasinungalingan lang lahat na nasa Tate sya. May trabaho nga sya dito araw araw. Masyadong hectic schedule ni Mancao at kumikita naman sya dito, bakit pa sya pupuntang states?" dagdag pa ng aking source na ayaw pabanggit ang pangalan dahil sa "safety" reasons.

"May exclusive photo akong nakuha. Makakapagpatunay dito na nasa Pilipinas lang si Mancao," paghayag ng aking source

Ang nasabing litrato ay kuha sa noontime show na Eat Bulaga. Makikita si Mancao dito na nakatayo, nakapamewang at may ngiti sa kanyang labi na parang walang problemang kinakaharap.



exclusive photo ni dating senior supt Cesar Mancao