Monday, June 1, 2009

Ex-senior superintendent Cesar Mancao nakita sa Eat Bulaga

by Ava Tilamsik
Reuterz


Mancao Photo mula sa gmanews.tv

Balibalitang babalik na sa Pilipinas si dating senior superintendent Cesar Mancao mula sa USA. Matatandang nasangkot si Mancao kasama ang ngayong senador na si Panfilo Lacson sa Dacer-Corbito double murder noong panahon ng Administrasyon ng Dating Pangulong Joseph Estrada. Inaasahang ang pagbabalik ni Mancao ay magbibigay linaw sa nasabing kaso.

Ngunit ayon sa aking source ang dating senior superintendent ay matagal nang nandito sa ating bansa.

"Matagal na si Mancao dito. Sa katunayan hindi naman sya nagtatago. Kasinungalingan lang lahat na nasa Tate sya. May trabaho nga sya dito araw araw. Masyadong hectic schedule ni Mancao at kumikita naman sya dito, bakit pa sya pupuntang states?" dagdag pa ng aking source na ayaw pabanggit ang pangalan dahil sa "safety" reasons.

"May exclusive photo akong nakuha. Makakapagpatunay dito na nasa Pilipinas lang si Mancao," paghayag ng aking source

Ang nasabing litrato ay kuha sa noontime show na Eat Bulaga. Makikita si Mancao dito na nakatayo, nakapamewang at may ngiti sa kanyang labi na parang walang problemang kinakaharap.



exclusive photo ni dating senior supt Cesar Mancao





1 comment:

  1. love this post.

    sabi na nga ba't screen name lang yung pangalang jose.

    haha.

    ReplyDelete