Saturday, May 23, 2009

"Di ko gustong maging stewardess nung Grade II ako!" - Mar Roxaz II

by AVA tilamsik
Reuterz

Sa kanyang privilege speech sa senado, mariing kinondena ni Sen Mar Roxas and lumabas na artikulo sa internet-broadsheet na goodtimesmanila.com kung saan binalita na sya ay nangarap maging isang stewardess noong sya ay nasa ikalawang baitang sa mababang paaralan. pinakita rin sa nasabing internet site ang isang diumanoy kopya ng kanyang takdang aralin kung saan pinapakita rito ang kanyang paghahangad na maging isang stewardess goodtimesmanila pictures

"Ang impormasyon kumalat ay mali. hindi ko ginustong maging stewardess nung ako ay Grade II. Aking natatandaan na ang takdang aralin na sinambit sa pahayagan ay noong ako ay nasa ika-unang baitang pa lamang. Sa makatuwid, grade 1 pa ako ng naisip kong maging isang stewardess. Bata pa lang ako alam ko na ang gusto ko at di ko kinakahiya. Ngunit daglian din itong nagbago nang aking napag alaman na isang sa mga kinakailangan para maging isang ganap na stewardess ayon sa aking guro ay ang tangkad o height. Hindi po ako matangkad. mahirap tanggapin sa ganung edad ang kabiguan ngunit hindi ko na pinilit ang ganung pangarap. kaya naman ako ay nagiging sentimental tuwing napaguusapang ang parteng iyon ng aking buhay dahil ito ang maituturing kong aking unang kabiguan " ayon sa senador na halatang nagpupuyos ang damdamin.

Ayon pa sa Senador posibleng itong humantong sa isang senate hearing lalo na kung hindi maglabas ng "retraction" at apology ang naturang pahayagan. "Simple lang naman ang hinihingi ko ang mag-sorry sila at icorrect nilang Grade 1 ako noong mga panahon na iyon," dagdag pa ng senador.

Samantala sinagot ren ng senador ang mga katungang baket pagiging isang stewardess ang kanyang naging pangarap. "Wala naman akong nakikitang masama roon. May mga babaeng gumagawa ng trabaho ng isang lalake katulad ng pagiging isang welder. bakit naman natin lilimitahan ang trabahong pwedeng gawin ng isang lalaki. Hindi nakakabawas ng isang pagkakalalaki kung gustuhin man nyang maging stewardess",depensa ng senador

Matapos ng kanyang privilege speech ay inimbitahan ng senador ang myembro ng media sa kanyang lumang bahay upang ipakita ang tunay na kopya ng kanyang takdang aralin. Pinapakita dito na ang senador ay Grade 1 at hindi Grade 2 noong sya ay mangarap maging stewardess. napansin din ng mga myembro ng press ang kolesyon ng laruan ng senador sa loob ng kanyang lumang kwarto.

"Ito ang koleksyon ko ng mga toy guns at military toys" nakangiti at halatang nahimasmasan na ang senador

pinakita ng senador ang kanyang koleksyon ng halos mukhang totoong baril hanggang sa mga water guns. meron ding complete set ng GI joes at transformers ang senador. ngunit napukaw ang atensyon ng media sa isang sundalong manika nakasakay sa isang military tank.

"Ito ang pinaka paborito ko sa lahat" ang sabi ng mabuting senador

link ng paboritong larunan ng senador

2 comments:

  1. nanginginig na tumbong ng goodtimesmanila hahaha!!!

    ReplyDelete
  2. at least militar si barbie

    ReplyDelete