Saturday, August 22, 2009

For MARimar Roxas's bachelor party, please, yes to macho dancers!

by AVA tilamsik
Reuterz
Rating


Kasama ako sa entertainment press na naimbitahan sa sit-down dinner with the soon-to-be-wed couple na sina Marimar Roxaz at Korimaw Sanchez. Ginanap ang dinner sa Balay, isa sa mga properties ng mga Araneta sa may Cubao, noong Huwebes ng gabi.



Tungkol sa October 23 wedding na tinatawag na "People's Wedding" ang mga itinanong sa dalawa dahil lahat ng details ng kasal ay ipaaalam nila sa tao. But as of last Thursday, hindi pa napipili nina Korimaw at Marimar kung saang simbahan sila pakakasal at pati sponsors ay di pa kompleto, kaya hindi muna nila inilabas. Either Monday or Tuesday nila i-a-announce kung saang church sila ikakasal.

Si Korimaw ang tinanong ng PEP kung bakit October 23 ang napili nilang wedding date.



"October is the best month to get married dahil Oct. 5 is my birthday, Oct. 21, birthday naman ng brother ni Marimar (the late Dinggoy Roxas). Pag November, busy na ang tao at lalo na sa December, naghahanda sa Pasko.

Kay Sen. Marimar galing ang information na between 4-4:30 p.m. ang wedding nila at nagbirong para hindi siya ma-late, bibili siya ng camper at dun na matutulog para matiyak na nasa simbahan siya sa oras ng kasal.


KEEP EXPENSES DOWN. Filipino ang motif ng kasal. Barong Tagalog with lace and ribbon ang isusuot ni Sen. Marimar; ayaw niya ng amerikana o tuxedo. Gawa naman ni Pepito Albert ang wedding gown ni Korimaw at ang sapatos ay gawa ni Cesar Gaupo.



"Nagugulat ako sa rami nang nag-o-offer na sponosrs. Yung shoes ni Cesar, libre yun, may nag-offer na gagawa ng cake and the biggest cake raw ang gagawin nila. Ang flowers na gagamitin sa kasal ay manggagaling sa Davao, Tagaytay at Baguio. Ang ganda-ganda ng rosal, di na kailangan ng imported flowers. Saka, laging nagpapaalala si Marimar na 'wag masyadong magastos," kuwento ni Korimaw.



Paano ang wedding boquet mo?



"Philippine vine siya with white flower."



Si Sen. Marimar uli ang sumagot sa tanong ng press kung ano ang theme song nila ni Korimaw.



"Depende sa araw, depende sa mood, but right now, ang theme song namin ay Rock With You ni Michael Jackson."

Narinig din ng PEP na sinabi ni Sen. Marimar na if ever manalo siyang presidente sa 2010 elections, hindi na puwedeng bumalik sa trabaho niya bilang newscaster si Korimaw dahil sa conflict of interest. Inalam ng PEP ang sagot ni Korina tungkol dito. Payag ba siya sa sinabi ni Sen. Marimar?

"Para ayusin ang bansang ito, oo! Okey sa akin i-give up ang trabaho ko. Tulungan dapat para maayos na ang bansa natin sa maraming problema."


Sa mga nagbabalak na bigyan ng despedida de soltera si Marimar, ipinauna na nitong kumuha ng macho dancer. "Pls more macho dancer, more more like na like ko sila!"

biglang hinimatay si Korimaw

No comments:

Post a Comment